Hinatulang Guilty sa sala ng RTC Branch 50 sa Maynila ang alkalde ng Malabang, Lanao Sur na si Alinader Balindong at anim pa nitong kaanak kamakalawa.

Ito ay may kaugnayan sa naganap na pananambang kay H.Rauf Boloto Malawani noong Pebrero 10, 2021 may apat na taon nang nakalalipas sa nasabing lugar.

Kasama rin ni Balindong na guilty sina Alrashid Balindong Abdul alyas Sultan at Sulu, Gair Limgas Balindong, Saud Balindong Mangandog, Toggami Balindong, Fairus Sammer Balindong at Alibana Balindong Hadji Jawad Alonto. Ang mga ito ay nabigo na humarap sa promulgasyon ng kanilang kaso sa RTC Branch 50 at ngayon ay hinahanap na ng mga autoridad.

Samantala, nanawagan naman ang pamilya ng biktima na kung maari ay mailanas na ang warrant of arrest laban sa mga suspek upang masiguro ang pagkakaroon ng hustisya sa nabanggit na biktima.