Pagkatanggal bilang supplier ng “Walang Gutom” program ng DSWD o ng Department of Social Welfare and Development sa kanilang lugar ang ibinabala ni Pagalungan Maguindanao Sur Mayor Datu Abs Mamasabulod sa mga tiwaling supplier na magsusuplay ng mga di maganda at di makakaing produkto.

Sa distribution na isinagawa kahapon ng umaga, sinuri mismo ng alkalde ang kalidad ng mga matatanggap ng mga benepisyaryo gaya ng kung ito ba ay tamang timbang, nasa saktong presyo at kung ito ay sariwa pa at hindi bilasa.
Ayon kay Mayor Mamasabulod, kaya lamang nito ginawa ang pagsusuri ay upang hindi masira ang magandang layunin ng programa ng DSWD mula sa mga mapagsamantalang mga supplier at mga negosyante.
Sa pagsusuri nya, kasama nito si Vice Mayor Mohamiden Mamasabulod at agad naman nito na ipinagpatuloy ang pamimigay katuwang ang DSWD.

Maging ang timbang ng bigas, di nakaligtas sa pagsusuri ng alkalde upang masigurong wasto ang mapapasakamay na pagkain ng bawat benepisyaryo mula sa mga supplier.
Lahat aniya ng mga magiging distribusyon ay lagi nang susubaybayan ng alkalde upang maging maayos ang nasabing aktibidad at walang aberya.