Humarap sa mga mamamahayag ang alkalde ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na si Datu Akmad “Mitra” Ampatuan para linawin ang naganap na komosyon at tensyon na humantong sa pagkakapatay sa isang BPAT at pagkakasugat ng lima pa na nataong huling araw din ng paghahain ng COC ng mga kakandidato para sa halalan sa susunod na taon.
Ipinaliwanag ng alkalde na di sa kanila nagsimula ang gulo kundi sa mga taga suporta ng kabilang kampo.
Inutusan din aniya nito ang mga bantay sa harapan na kung maari ay papayapain ang tensyon ngunit hindi kinaya na nagresulta sa barilan na ikinamatay ng isang BPAT sa lugar.
Dahil dito, humihingi ng pakiusap ang alkalde na kung sana ay wag na maulit pa ang ganitong pangyayari at handa syang humarap sa kahit anong patawag upang malinawan ang naturang tensyon.