Patay ang isang dispatsador matapos itong barilin sa Purok Lumayon 1, MB Poblacion sa lungsod kaninang madaling araw.

Sa report ng PNP, kinilala ang biktima na si alyas Intsik, isang dispatcher at residente sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao Norte.

Sa inisyal na ulat ng kapulisan, nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at katransaksyon nito sa pagbebenta ng iligal na droga sa lugar kung kayat binaril ito.

Dead on arrival na ng isugod sa pinakamalapit na pagamutan si Intsik.

Personal grudge naman ang motibo ng PNP sa krimen at patuloy ang malalimang imbestigasyon at hot pursuit sa suspek.