Sugatan na, makukulong pa.

Ito ang sitwasyon ngayon ng isang lalaki na nanlaban sa mga huhuli sa kanya na personahe ng PNP matapos na maghain lang sana ng Search Warrant sa kaso na may kinalaman sa iligal na droga at iligal na paghawak ng armas sa Krislam, Barangay Dagupan sa bayan ng Kabacan sa Cotabato.

Sa ulat ng PNP, kinilala ang suspek na si Alex Balulu alyas ‘Kanto Boy’ na residente ng nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon na maghahain lang sana ng search warrant ang PNP sa pamamahay nito ng makatunog ito ng pagdating ng pulis ay pinaputukan nya na ito dahilan upang gumanti ang mga ito at tinamaan ang suspek sa kanyang katawan.

Agad naman na naisugod ang suspek sa hospital para sa paunang lunas habang nakuha naman sa pamamahay nito ang mga matataas na kalibre ng baril, granada at ilang pirasong sachet na may lamang iligal na droga.

Ang mga nakuhang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Kabacan MPS habang nagpapagaling naman ang suspek sa ospital dahil sa mga sugat na tinamo nito.