Sumuko ng kusa upang malinis ang kanyang pangalan ang isa sa mga suspek na sangkot sa pagnanakaw sa bahay ng mag-asawang si MP Atty. Fahani at Engr. Khoimeni Oyod sa lungsod nito lamang July 30.

Sumuko sa Datu Blah Sinsuat MPS nito lamang Sabado si Marjune Nalud alyas Singkit kasama ang legal counsel nito na si Atty. Wrenfold Juntilla. Ayon kay Atty. Juntilla, sumuko ng kusa ang kanyang kliente na si alyas Singkit upang isiwalat ang totoong naganap sa panloloob nila sa bahay ng mga Oyod at upang malinis ang pangalan nito.

Nasa pangangalaga ngayon ng DBS Municipal Police si Singkit para sa tamang disposisyon.