Naaresto ang isang 30-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) sa Purok 1, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City, pasado alas-10 ng umaga ngayong Setyembre 16, 2025.
Kinilala ang suspek na si Jeke, may asawa at residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat, nakabili ang isang poseur buyer ng dalawang heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu mula sa suspek.
Nakuha rin mula sa kanya ang buy-bust money na binubuo ng ₱500 marked bill at karagdagang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.3 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱2,040.
Sumailalim na sa mandatory booking, medical at drug test ang suspek, habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinailalim sa pagsusuri ng RFU-BAR.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanya.