Nananawagan ngayon ng hustisya ang isang ginang mula sa bayan ng Pigacawayan sa North Cotabato matapos saksakin hanggang mapatay ang kanyang anak ng kanyang dating asawa.

Sumuko pero nakatakas ang suspek na si Eric Gallano Parnicio ayon sa dating asawa nito na si Rahima Abdulrahman.

Ayon kay Abdulrahman, gabi ng May 20 nang bigla na lang kumatok sa kanilang pamamahay ang ex-husband nito at biglang sinaksak ang 14 anyos na dalagitang step daughter nito.

Maging ang ale ay nagtamo rin saksak sa tagiliran nito.

Ayon sa ginang, palaisipan pa rin sa kanya kung bakit Homicide imbis na murder ang ikinaso sa suspek at kung bakit ito nakatakas sa mga autoridad.

Hanggang ngayon, wala paring pahayag ang Municipal Police Station ng bayan ng Pigcawayan.

Una ng kinumpirma ng Pigcawayan MPS sa Star FM Cotabato na nakatakas ang nasabing suspetsado mula sa detention facility ng Pigcawayan Municipal Police Station.