Ipinapahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang opisyal na pagtatapos ng Northeast Monsoon o Amihan, na hudyat ng pagsisimula ng paglipat ng bansa sa dry season.
Sa pag-iral ng Easterlies bilang pangunahing wind system, inaasahan ang unti-unting pagtaas ng temperatura sa mga susunod na linggo.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa heat stress sa pamamagitan ng pananatiling hydrated, pag-iwas sa matinding sikat ng araw sa tanghali, at pagsusuot ng preskong kasuotan.
Hinihikayat din ang lahat na maging responsable sa paggamit ng tubig upang makatulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay ngayong tag-init.

















