Binalot ng pamumuna at pambabatikos ang kauna-unahang pagpasok sa pulitika ni Michael, ang anak ni Former Senator at Boxing Icon Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.
Ito ay matapos na maghain ng kandidatura ang nakababatang Pacquiao bilang konsehal sa General Santos City sa darating na 2025 midterm elections.
Kasama ito sa linyada ng Peoples Champ Movement kung saan ang tiyahin nito na si Incumbent Gensan City Mayor Lorelie Pacquiao ang syang standard bearer.
Sumama sa naging paghain ng COC ni Michael ang ama at ina nito at nagpakita ito ng suporta sa kanyang balaking maglingkod sa pagkakonsehal.
Personal aniyang desisyon ni Michael ang pagpasok sa pulitika dahil sa masidhing pagnanais nito na makapaglingkod sa bayan na sumusuporta din sa kanyang ama at pamilya.
Tututukan aniya ng neophyte councilor aspirant ang pagbalangkas ng mga ordinansa patungkol sa mga bata maging sa mga atleta ng lungsod.
Sinagot naman ng nakababatang anak ni Pacquiao ang mga patutsadang dinastiya ng mga pulitiko ang kanilang pamilya sabay hirit nito na nasa taong bayan na ang pagpapasya para sa kanyang kandidatura.