Aresdato ang apat (4) na drug suspek sa ikinisang drug buy-bust operation ng operatiba ng Cotabato City Police Station 1 partikular sa Purok Lumayon 5, Mother Barangay Poblacion Cotabato City kahapon araw ng Martes, August 20.

Ang mga suspetsado ay kinilalang sina, Dima Samama Basuel alyas Super 49 anyos isang Fish Vendor, Phehan Laguialam Lidasan, 29 anyos, Saripa Laguialam Vicente, 21 anyos, at si Jimmy Manabilang, 72 anyos na pawang mga Side Walk Vendors na parehong mga residente ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska ng kapulisan ang isang (1) pakete ng heat-sealed transparent plastic sachet na nag lalaman ng iligal na droga na nag kakahalaga ng P500.00 kay Samama Basuel na syang target suspect. Kasama ring nabawi ang perang ginamit sa operasyon, habang bisita lamang umano ang tatlo nitong kasamahan.

Kalaunan, nang mag sagawa ng body search operation sa mga kasamahan nito ay nasamsam naman sa kanila ang ang dalawang (2) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na nag lalaman ng droga na nag kakahalaga ng P680.00 at dalawang lighter.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Cotabato City Police Station 1 ang apat na durugista at mahaharap sa kasong pag labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.