Patay nitong nagdaang weekend, araw ng Sabado ang isang arabic teacher nang mabiktima ito ng pamamaril sa bahagi ng Sitio Cantain, Barangay Duguengen sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.
Kinilala ang arabic teacher na si Kamar Biyamen na residente sa bayan ng Mamasapano. Lumalabas sa initial report ng pulisya na ang biktima ay dumalo sa Musabaca ng bigla itong barilin ng mga di pa tukoy na suspek at nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo na agad nitong ikinamatay.
Tumakas naman ang suspek matapos na maisakatuparan ang krimen habang ang bangkay ng biktima ay agad na kinuha ng kanyang pamilya upang mailibing sa tradisyong Islam.