Arestado ang dalawang lalaki matapos na caught in the act itong nagnanakaw ng mga tubo ng metro ng tubig o water meter pipes ng Metro Cotabato Water District o MCWD sa bahagi ng kalye Soledad, Rosary Heights 13 sa lungsod ng Cotabato, dakong 11:30 ng gabi nitong Lunes, Oktubre 6.
Sa ulat ng kapulisan partikular ng Presinto Dos, nagsasagawa lang ng routinary monitoring o ikot ang mga opisyal ng Barangay ng maaktuhan nito ang mga suspek sa kabalbalang ginagawa nito.
Dahil dito, arestado at dinala sa presinto kasama ng ebidensyang water meter pipes ang mga suspek na sina Rodulfo, 42 na habal driver at taga Poblacion 6 at si alyas BOSS, 34 at habal Driver na taga Biniruan Poblacion 6 sa lungsod.
Batay sa kapulisan, nasangkot na rin dati sa ibang mga kaso si Dumol kagaya ng holdup-an sa lungsod.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawa at nakatakdang sampahan ng kaso na paglabag sa RA 8041 o National Water Crisis Act of 1995.