Natigil ang armadong sagupaan sa pagitan ng dalawang grupong pinamumunuan nina Commander H. Gani at Commander Zainudin Kiyaro sa Barangay Linantangan ngayong araw, Marso 1, 2026. Ang insidente ay nagsimula noong Pebrero 27, 2026 at nagdulot ng tensyon sa komunidad.
Ayon sa ulat, matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang dalawang grupo na humantong sa palitan ng putukan.
Sa isinagawang pag-uusap, napagkasunduan ng magkabilang panig na mananatili sa kani-kanilang lugar at iwasang gumawa ng anumang hakbang na maaaring magpasiklab muli ng karahasan, upang makabalik na rin ang mga sibilyan sa kanilang mga tahanan.
Pinangunahan ang ceasefire ng Peace, Security and Reconciliation Office – Office of the Chief Minister (PSRO-OCM BARMM), katuwang ang MILF-CCCH sa pangunguna ni Sir Abusaima Husain, at kasama rin ang Task Force Ittihad, BLGU, MPS Shariff Saydona Mustapha, at ang Armed Forces of the Philippines.















