Nakasamsam ang mga elemento ng pulisya ng matataas na kalibre ng baril at mga bala kasunod ng isinagawang search warrant operations sa pamamamahay ng suspek na nakatakas kahapon sa Baryo Bago, MB Tamontaka sa lungsod.

Kinilala ng kapulisan ang suspek na si Verano Abdul Rakim, 45, may kabiyak at residente sa nasabing lugar.

Nakumpiska sa naging operasyon ang mga armas na kinabibilangan ng isang M4 Carbine 5.56mm rifle na may apat na magasin at 160 live ammos.

Armado ng search warrant na inisyu ng RTC Branch 21 sa Kapatagan, Lanao Del Norte ang otoridad.

Umakto ang autoridad sa mga ulat na mayroong iniingatang armas ang suspek.

Patuloy naman na tinutugis ang suspek na makakasuhan ng paglabag sa RA 10591.