Iniimbestigahan ng Shariff Saydona Municipal Police Station (MPS) ang naganap na armadong alitan sa Brgy. Ganta noong Nobyembre 5, 2025, bandang alas-3:30 ng hapon, sa pagitan ng pamilya Buisan, na sinuportahan ng MILF Task Force Itihad, at ng pamilya Kagi Fahad Sapal, na sinuportahan ng MILF 105th Base Command.
Ayon kay Hon. Faisal Ilian, ABC President ng Shariff Saydona Mustapha, nasawi sa engkwentro si isang kilalang indibidwal na tinaguriang Commander Bandao, habang dalawa sa kanyang mga anak ay iniulat na kritikal ang kalagayan at dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Lungsod ng Cotabato para sa agarang medikal na atensyon.
Patuloy ang Shariff Saydona MPS sa paglikom ng impormasyon at pagbabantay sa sitwasyon, kasabay ng koordinasyon sa mga AFP counterparts sa lugar upang masubaybayan ang pangyayari at matiyak ang seguridad sa komunidad.

















