Isang nakagugulantang na insidente ang yumanig sa Sitio Ugan, Lutac, Naga, Cebu ngayong umaga, Enero 27, 2025, bandang alas-9 ng umaga.

Ang suspek na kinilalang si “Carlo,” ay itinuturong responsable sa brutal na pagpatay sa kanyang asawa at dalawang anak gamit ang isang itak.

Ayon sa mga awtoridad, nakita si Carlo na nag-aamok at wala na sa tamang pag-iisip.

Pinaniniwalaan ding gumagamit ito ng ilegal na droga, dahilan upang maganap ang karumal-dumal na krimen.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap si Carlo ng mga pulis matapos tumakas mula sa pinangyarihan ng krimen.

Ang mga residente ng lugar ay lubos na nababahala at nananawagan ng agarang hustisya para sa mga biktima.

“Pagkalooy nalang intawon sa mga bata ug asawa. Unsaon man ni nato pagkalimtan? Unta madakpan na siya,” ani ng isa sa mga kapitbahay na lubos na nagdadalamhati sa nangyari.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa kagimbalgimbal ng insidente ng pagpatay.