Kulong ngayon ang isang lalaki matapos nitong pagtatagain ang kanyang misis dahil lamang umano sa isyu ng “scatter” sa Green Heights, Brgy. Balulang, Cagayan De Oro City.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pinagtataga umano ng mister ang kanyang asawa sa mukha gamit ang isang samurai.

Napag-alamang nagalit ang suspek matapos siyang komprontahin ng kanyang misis nang mabawasan ng P350 ang e-wallet nito, na pinusta umano ng mister sa scatter. Dahil dito, nauwi sa mainitang pagtatalo ang mag-asawa.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Violence Against Women and Their Children Act.