Bumisita sa tanggapan ni Cotabato Governor Lala Mendoza si former Makati Representative, aktor at kasalukuyang Asean Taekwondo Federation President Master Monsour Del Rosario upang mapag-usapan ang gaganaping 2024 Mindanao New Face Taekwondo Championship maging ang Governor Emmylou “Lala” J. Taliño- Mendoza Taekwondo Cup na magsisimula ngayong araw.
Malugod naman na tinanggap ang dating aktor at taekwondo champion ng kumatawan sa gobernadora na si Provincial Administrator Aurora Garcia.
Ayon kay Garcia, ang pakikiisa ni Monsour ay makakapagdagdag kasiyahan lalo na sa pagdiriwang ng ika 110th na anibersaryo ng probinsya at selebrasyon ng Kalivungan Festival 2024.
Sa ngayon, aabot na sa 838 na mga indibidual ang nakapagpatala para lumahok sa gagawing laro na magmumula sa ibat-ibang lugar sa buong rehiyon.
Kasama rin ni Del Rosario sa courtesy call si 1992 Barcelona Olympic Medalist at Regional Affairs Committee ng Philippine Taekwondo Association Technical Chairman Master Stephen Fernandez.
Bukod sa kanila ay dumalo pa ang mga opisyales ng lalawigan at iba pa.