Sinawimpalad at nadiskwalipika ang French Pole Vaulter na si Anthony Ammirati matapos na bumangga ang kanyang ari-arian sa crossbar ng ito ay sumubok na makuha ang 5.70m sa Paris 2024 Olympics.

Sa panayam ng mga mamamahayag matapos ang naturang kumpetisyon, sinabi ni Ammirati na nadiskwalipika ito dahil sa kanyang malaking pagaari.

“I was disqualified from the Olympics because my junk is too big” ayon kay Ammirati.

Nakuhanan naman ng slow motion video maging mga pictures ang 21 taong gulang na atleta na bumangga ang kanyang ari sa crossbar.

Dahil dito, nagtapos sa ika-12 na pwesto si Ammirati sa qualifying group.

Samantala, naging social media sensation naman ang atleta dahil sa insidente at marami naman ang natuwa sa pagiging positibo ni Ammirati kahit na pinahamak sya at ang kanyang karera ng kanyang sandata.