Walang balak ang Australia na tanggapin ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sakaling payagan itong makalabas sa ilalim ng tinutulak na interim release habang may kinahaharap na kaso sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa opisyal na pahayag, iginiit ng Australia na susundin lamang nito ang mga patakaran at desisyong ipalalabas ng ICC at Rome Statute kaugnay ng kaso ng dating pangulo.
Matatandaang nabanggit ni Vice President Sara Duterte na isa ang Australia sa mga ikinukunsiderang destinasyon ni FPRRD kapag pinayagan ng ICC ang pansamantalang paglaya ng kanyang ama.