Natanggap na ng mga pamilya na naging biktima ng sunog sa Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ang ayuda ng Project Tabang ng Bangsamoro Government.

Maagap na nagpadala ng ayuda ang Rapid Reaction Team ni Project Manager Dong Kusain na naghatid ng mga bigas, foodpacks, mga kagamitan sa bahay maging emergency kits.

Lubos namang nagpasalamat sa natanggap ang mga pamilya ng mga nasunugan kay BARMM CM Ahod Ebrahim at sa Bangsamoro Government.