Pamimigay ng ayuda ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa mga residente ng Lungsod, hindi coordinated sa Cotabato City Government.

Ito ang diretsahang sinabi ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa naging pulong balitaan ngayong umaga ng Lunes, July 15.

Aniya, wala namang problema ang mamigay ng ayuda sa mga apektado ng pagbaha sa Cotabato City ngunit kinakailangan ding ang coordinasyon sa City Hall upang hindi na ma-doble ang mapagbibigyan ng ayuda ng City Hall.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang opisina ni Mayor Bruce Matabalao sa opisina ng kongresista upang magkaroon ng proper documentation.