Naaresto ang isang tatlumpu’t tatlong taong gulang na babae matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga otoridad sa Sitio Rancho, Barangay Sta. Clara, Lamitan City noong Oktubre a-dos, dalawampu’t dalawampu’t lima.

Kinilala ang suspek na si Janeth Castillo, na nasakote matapos makipagtransaksyon sa mga operatiba.

Nasamsam mula sa kanya ang sumusunod na ebidensya: Labindalawang straw na may lamang hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang dalawang gramo. Ginamit na boodle money sa operasyon. Iba’t ibang drug paraphernalia tulad ng aluminum foil at isang cellphone

Ayon sa mga awtoridad, ang matagumpay na operasyon ay resulta ng mahigpit na koordinasyon ng Lamitan City Police Station (LCPS), Philippine Drug Enforcement Agency–BARMM (PDEA-BARMM), at Provincial Mobile Force Company (PMFC). Binigyang-diin ng mga otoridad na patuloy ang kanilang maigting na kampanya laban sa mga sangkot sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa lungsod.