Arestado ang isang babae na matagal ng pinaghahanap ng batas matapos itong mapagsilbihan ng arrest warrant ng mga miyembro ng tracker team ng presinto Dos sa kinakaharap nitong mga matatagal na kaso sa Block 10, ND Village sa Barangay Rosary Heights 8.

Kinilala ng pulisya ang akusadong si Sarah Ramos, jobless at nakatira sa nasabing lugar.

Dinakip ang babae sa bisa ng isang mandamiento de aresto na inisyu ng korte dahil sa kaso na may kinalaman sa Illegal Number Game o last two sa ilalim ng RA 9287 na naisampa noong Agosto 2021.

May piyansa naman na inirekumenda ang korte upang magkaroon ito ng panumandaling kalayaan.

Kasalukuyang nakaditine ang suspek sa Womens Detention ng presinto Dos at hinihintay na lamang ang commitment order para mailipat ito sa Cotabato City Jail.