Atensyon sa mga mahilig sa noodles, pancit canton, at soft drinks.
Isang 15-anyos na dalagita mula sa Camarines Norte ang nagkaroon ng stage 5 chronic kidney disease matapos mahilig sa pagkain ng noodles, pancit canton, at soft drinks.
Ayon sa ulat, mas pinili umano ng dalagita na uminom ng soft drinks kaysa tubig, na siyang nakaapekto sa kanyang kalusugan. Dahil dito, kinakailangan niyang sumailalim sa dialysis dalawang beses sa isang linggo.
Nagsimula siyang makaranas ng matinding pagkahilo, lagnat, ubo, at panghihina ng katawan bago natuklasang may malubha na siyang sakit sa bato.
Base sa findings ng mga doktor, dulot ng kanyang hindi balanseng pagkain ang pagkakaroon niya ng chronic kidney disease, dahilan kung bakit kailangan na niyang regular na magpa-dialysis.
Dahil dito, nagbabala ang mga eksperto sa publiko, lalo na sa mga kabataan, na limitahan ang pagkain ng noodles, pancit canton, at pag-inom ng soft drinks upang maiwasan ang malubhang sakit.
Tandaan, mas mahalaga ang kalusugan kaysa panandaliang panlasa!