Natagpuan na ang babaeng napaulat na nahulog sa septic tank o poso negro sa Kidapawan City.
Buhay at tila wala sa sarili ang babae na kinilalang si alyas Mae, taga bayan ng Libungan, Cotabato.
Ligtas na si Mae matapos na mabigyan ito ng lunas matapos na marescue ito at tugunan ito ng 911 Kidapawan at CDRRMO ng siyudad.
Una na rin itong naipanawagan na missing at ayon sa kaanak nito may isang linggo na rin itong nawawala sa kanilang piling at huli itong nakita noong naiturn over ito sa pulisya ng Pikit ng mga nakarinig ng panawagan ngunit nakatakas ito.
Mentally disturbed umano si Mae at palaisipan pa rin sa pamilya kung paano ito napunta sa Kidapawan City na malayo sa mga pinanggalingan nitong lugar na Libungan at Pikit.
Hindi na rin inaasahan ng pamilya nito na makikita si Mae ng buhay ngunit sila ang na Wow Mali ng makita nilang ligtas at buhay ang kanilang kaanak na nawawala ng mahigit sa isang linggo.