Umani ng atensyon ang isang babae sa Brooklyn Half Marathon matapos itong tumakbo suot ang isang wedding gown habang umano’y naghahanap ng posibleng maging kabiyak.
Kinilala ang runner na si Tiss Tregellas, 28-anyos, isang stand-up comedian mula Brooklyn, New York.
Hindi ito ang unang pagkakataong tumakbo siya suot ang gown, dahil ginawa na rin niya ito sa kaparehong marathon noong nakaraang taon.
Bagama’t hindi siya nakahanap ng mapapangasawa sa mismong araw ng karera, nakuha naman niya ang pansin ng mga manonood at kapwa kalahok sa nasabing marathon.