Kritikal ang kondisyon ng isang babaeng backrider matapos itong mahulog mula sa isang Honda Wave motor sa Poblacion, Makilala, Cotabato, pasado alas-3 ng hapon nitong Martes, Abril 1.

Ayon sa nakasaksi sa insidente natanggal ang jacket ng babae at naipit sa kadena ng motor, dahilan ng pagkahulog nito.

Habang ang backrider ay nasa kritikal na kalagayan, ligtas naman ang driver ng motor.