Buntis o nagdadalang tao ang naunang naiulat na isang babae na binaril patay kahapon ng Miyerkules sa panulukan ng San Isidro Street Barangay RH 10 nitong lungsod.
Kinumpirma ito sa mga mamamahayag ni City PNP Police Station 3 Chief Pcapt Teofisto Ferrer. Kinilala ang biktima na si alyas Jacky, 30 years old.
Patuloy naman sa masinsin na imbestigasyon ang kapulisan para matukoy ang suspek at motibo nito sa pagpaslang kay alyas Jacky.