Kulungan ang bagsak ng isang babae na kinilalang si Alyas Linda, matapos silbihan ng mga otoridad ng warrant of arrest laban sa kaniya sa bahagi ng SK Pendatun Avenue, Poblacion 6, ng lungsod ng Cotabato pasado alas diyes ng gabi araw ng Lunes, July 08.

Si Alyas Linda ay nasa hustong taong gulang, at residente ng Cotabato City. Magkatuwang sa nasabing operasyon ang 1404th Regional Mobile Force Battalion at Cotabato City Police Station 1 sa pangunguna ni Station Commander Major John Vincent Bravo.

Ang babaeng kawatan ay haharap sa kasong 8 Counts of Theft na inisyu ni Hon. Analie Oga-Brual Presiding Judge, Regional Trial Court, National Capital Region.

Pansamantalang nakakulong na sa kustodiya ng Cotabato City Police Station 1 ang naturang suspek.