Natagpuan na ng mga rescuer kagabi ang bangkay ng isang 47 anyos na babae matapos na malunod ito sa bayan ng Norala, South Cotabato dulot ng malakas na ulan at naging pagbaha sa lugar.

Kinilala ang biktima na si Nenita Buayan na nakatira sa Purok El Kuda, Baryo Puti ng nasabing bayan. Pinangunahan ng alkalde ng bayan na si Mayor Clemente Fedoc at MDRMMO Officer na si Aisa Lim at Kapitan Randy Gardose ang naging search and retrieval operations sa biktima.

Ayon kay Fedoc, nadulas habang kinukuha ang sako ng basura sa sapa ang babae. Dead on arrival na ng isugod sa pagamutan ang nasabing biktima.