Patuloy na naaapektuhan ang Mindanao ng Easterlies, dahilan upang ang kalangitan sa BARMM ay bahagyang maulap na may mga paminsang pag-ulan na may kulog at kidlat.
Ayon sa forecast, posibleng magdulot ito ng baha at landslide sa mga lugar na nakakaranas ng matinding pag-ulan. Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga residente sa mabababang lugar at bulubunduking komunidad, na maging alerto at patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon.
Patuloy na nagbabantay ang mga awtoridad at handa ring magbigay ng agarang abiso sakaling lumala ang kondisyon ng panahon.

















