Pinaghahanap na ng lokal na pamahalaan ng Norala, South Cotanato ang nanay na posibleng nag-abandona ng kanyang sanggol na babae sa isang CR sa Norala District Hospital.

Ayon sa alkalde ng Norala na si Mayor Clemente Fedoc, una nang natuklasan ang nasabing sanggol na nakabalot at muntikanan nang itapon sa basurahan ng orderly ng ospital kundi pa nakita ang ulo ng bata Dagdag ng alkalde, may narinig nang umano na umiire sa CR ngunit napagkamalan lamang na nagbabawas o dumudumi. Posibleng buhay pa ang 7-9 na buwang gulang na sanggol ng ito ay ilabas ngunit namatay din ito matapos abandonahin ng ina nito.

Inilibing na ang nasabing sanghol habang nakikipagugnayan ang Norala LGU sa DSWD upang mapanagot ang may sala sa insidente.