PARA matugunan ang dumarami at naglipanang mga Badjao sa mga pangunahing kalye at daan, nakatakdang bumuo ng taskforce hinggil dito ang pamahalaang lungsod ng Cotabato.

Sinabi ni City Transport and Traffic Management Chief Moin Nul, marami na anya silang natatanggap na reklamo sa mga badjao na nananakit pag di nabibigyan ng limos at mga motorista na umaalma dahil ginagasgasan ang kanilang mga sasakyan o tinatansan kapag di nila ito nabibigyan ng limos.

May mga naitatala din na ulat na nagiging mapangahas at nangchachansing o hipo ang mga ito kaya napagdesisyunan ng city LGU ang pagbuo ng task force.

Bukod sa Task Force na bubuuin, magbibigay din ng tulong at kabuhayan sa mga badjao ang Lokal na pamahalaan upang di na sila mamalimos at magkalat sa lansangan.