Hindi pa man nag-iinit ang kanyang pwitan sa upuan, narelieve na agad sa kanyang bagong posisyon si Davao City Police OIC Col. Lito Patay na kauupo pa lamang ngayong araw dahil sa kautusan ng mga opisyales ng PNP.

Maituturing ang naturang pagpapalit bilang shake-up kasbay ng pagsibak sa 19 na station commanders ng lungsod noong nakaraang lunes.

Dahil dito, itinalaga si Col. Sherwin Butil bilang kapalit ni Patay.

Si Butil ang dating hepe ng Regional Information and Communication Technology Management Division (R10).

Ayon kay PRO XI Spokesperson PMaj. Catherine Dela Rey, hinihintay na lamang nila ang utos ng kanilang opisina para sa naturang pagpapalit pwesto.