Pormal nang nagkaroon ng bagong pamunuan ang 6th Civil-Military Operations (Kasangga) Battalion matapos idaos ang Change of Command Ceremony sa kanilang himpilan sa PC Hill, Cotabato City, nitong Huwebes ng umaga.

Itinalaga bilang bagong Battalion Commander si Lt. Col. Ronald E. Suscano, na pumalit kay Lt. Col. Roden Orbon matapos ang mahigit isang taon ng pamumuno sa naturang yunit.

Sa kanyang panunumpa, tiniyak ni Lt. Col. Suscano na ipagpapatuloy at lalo pang paiigtingin ang mga magagandang nasimulan ng kanyang predecessor, lalo na ang mga programang nagtataguyod ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan, militar, at mga komunidad.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Lt. Col. Orbon sa lahat ng nakasama at sumuporta sa kanyang pamumuno, partikular sa mga kasundaluhan at sa mga katuwang na institusyon sa pagpapatupad ng mga programa ng batalyon.

Ang 6th Civil-Military Operations (Kasangga) Battalion ay patuloy na gumaganap ng mahalagang papel sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa Central Mindanao sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa people-centered approach at pakikipag-ugnayan sa mga sibilyan.

All photo credits to Mayor Bruce “BM” Matabalao official Fb Page