Pagbabago sa seguridad sa Bangsamoro Government Center ipapatupad ng COMELEC BARMM katuwang ang mga sektor ng seguridad. Ang ilan sa mga gagawing pagbabago ay tulad na lang ng pagluwag ng security para sa mga manggagawa o mga empleyadong papasok sa BGC.

Habang ang 1 Vehicle, 1 Candidate policy naman ng COMELEC ay mahigpit namang ipapatupad. At kung sa punto namang mag kasabay-sabay ang mga partidong maghahain ng kandidatura, ito muna ay haharangin ng pansamantala sa entry point sa bahagi ng SKCC upang maayos na makapaghain ang nauna ng kandidato.

Sa pamamagitan nito, ay maiiwasan ang posibleng insidente ng kaguluhan sa pagitan ng kandidato o mga tagasuporta.