Lumakas at isa nang ganap na tropical storm ang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR malapit sa bansang Guam ar binigyan ng International Name na Pulasan ng Japan Meteorological Agency o JMA.
Taglay ngayon ni Pulasan ang lakas ng hangin na umaabit sa 65kph at pagbugsong aabot sa 95kph.
Kumikilos ito sa direksyong northward sa bilis na 7kph.
Good news naman na hindi ito inaasahang tatama sa bansa ngunit papasok ito sa araw ng Martes sa PAR at tatawaging Bagyong Helen at tiyak na inaasahang magpapalakas ng Habagat.