As of 8:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Hulyo 16, 2025, ang dating Low Pressure Area (LPA 07F) ay lumakas na at naging ganap na bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Pinangalanan ito bilang Bagyong Crising.
Ayon sa PAGASA, magsisimula ang paglalabas ng Tropical Cyclone Bulletins simula alas-11 ng umaga ngayong araw.
Pinaalalahanan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso, lalo na’t posible itong magdala ng malalakas na ulan at hangin sa mga susunod na araw.