Ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 2 na inilabas ngayong alas-singko ng hapon, July 16, 2025, patuloy ang paggalaw ng Tropical Depression Crising sa direksyong west southwest sa silangan ng Catanduanes.‎‎Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 625 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 45 kilometro kada oras malapit sa gitna, at bugso na umaabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.‎‎Sa ngayon, wala pang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunman, inaasahang maaaring magtaas ng Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan Valley mamayang gabi o bukas ng umaga. Posible ring isama ang Catanduanes kung palalakasin pa ang bagyo.‎‎

Nagbabala rin ang PAGASA na may posibilidad ng malalakas na pag-ulan at hangin dulot ng Crising at pinalalakas na habagat, partikular sa Palawan, Visayas, Bicol Region, at ilang bahagi ng Mindanao.‎‎

Pinapayuhan ang mga mangingisda at may maliliit na sasakyang pandagat na umiwas muna sa paglalayag sa mga baybaying apektado ng malalakas na alon, na maaaring umabot ng hanggang 2.5 metro.