Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Depression Ramil na namataan kaninang alas-tres ng madaling-araw sa layong 1,155 kilometro sa silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na hanggang 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ito patungong kanluran-hilagang kanluran sa mabagal na bilis.
Posible pang lumakas ang naturang sama ng panahon habang patuloy itong kumikilos sa karagatan ng Philippine Sea, bago tuluyang lumapit sa bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.
Samantala, Mindanao, kabilang ang mga probinsya sa BARMM region, ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa mga localized thunderstorms.
Pinag-iingat ang publiko sa posibilidad ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mababang lugar at bulubunduking bahagi ng rehiyon sa tuwing may malalakas na bugso ng ulan.
Source: PAGASA Cotabato Station