Namataan bandang alas-3:00 ng hapon ngayong araw ang Tropical Storm “Uwan” sa layong humigit-kumulang 225 kilometro kanluran-hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa sentro at bugso ng hangin na hanggang 90 kilometro kada oras, habang kumikilos ito pa-silangan hilagang-silangan sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay kasalukuyang nakaaapekto sa Davao Region, SOCCSKSARGEN, at Surigao del Sur, habang mga localized thunderstorms naman ang nararanasan sa iba pang bahagi ng Mindanao.
Para naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Pinag-iingat ang publiko sa posibilidad ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa, lalo na kapag lumakas ang mga pag-ulan.

















