Inilabas ngayon ang pinakabagong ulat tungkol sa Bagyong “Uwan” na mabilis na tumindi sa nakalipas na 24 oras sa Philippine Sea, silangan ng Eastern Visayas. Ayon sa datos, ang sentro ng bagyo ay nasa humigit-kumulang 680 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, o 760 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar. May lakas ang hangin ng bagyo na umaabot sa 140 kilometro kada oras, na may bugso hanggang 170 kilometro kada oras. Kumikilos ang bagyo patungong kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras at umaabot hanggang 780 kilometro mula sa sentro ang saklaw ng malakas nitong hangin.
Ipinapatupad ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas kung saan may gale-force winds na may bilis na 62 hanggang 88 kilometro kada oras, na may minor hanggang moderate na banta sa buhay at ari-arian. Kabilang sa mga lugar na ito sa Luzon ang Catanduanes, silangang bahagi ng Camarines Sur tulad ng Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Buhi, Caramoan, Tigaon, Garchitorena, Calabanga, Sagnay, San Jose, Presentacion, Baao, Ocampo, Milaor, Nabua, Bato, Camaligan, Pili, Iriga City, Magarao, Minalabac, Balatan, Naga City, Bombon, Bula, Canaman, Albay, Sorsogon, at Ticao Islands. Sa Visayas naman, kabilang ang Northern Samar, hilagang bahagi ng Samar tulad ng Matuguinao, San Jose de Buan, Calbayog City, at hilagang bahagi ng Eastern Samar kabilang ang Maslog, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Oras, at Arteche.
Samantala, ipinapatupad naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mas malawak na bahagi ng Luzon, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao, kung saan may strong winds na may bilis mula 39 hanggang 61 kilometro kada oras, na may minimal hanggang minor na banta sa buhay at ari-arian. Kabilang dito sa Luzon ang Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Masbate kabilang ang Burias Island, Marinduque, Romblon, Oriental at Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, Calamian Islands, at Cuyo Islands. Sa Visayas, kabilang ang natitirang bahagi ng Samar at Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang-silangan ng Bohol, hilaga at gitnang bahagi ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, hilagang bahagi ng Negros Occidental, hilaga at gitnang bahagi ng Iloilo, Capiz, Aklan, hilaga at gitnang bahagi ng Antique kabilang ang Caluya Islands. Sa Mindanao naman, kabilang ang Dinagat Islands at Surigao del Norte.
Bukod sa malakas na hangin, inaasahan din ang matinding pag-ulan sa mga apektadong lugar. Pinapayuhan ang publiko na sumangguni sa Weather Advisory No. 6 para sa detalye ng heavy rainfall outlook dulot ng Bagyong Uwan. Maaaring mas malakas ang epekto ng hangin sa baybayin at kabundukan, habang mas mahina naman sa mga lugar na nakatago mula sa direksyon ng bagyo. Ang minor hanggang moderate na epekto ay maaaring maranasan sa mga lugar na may TCWS No. 2, samantalang minimal hanggang minor ang epekto sa mga lugar na may TCWS No. 1.

















