“Isang tunay na bayani.” Yang ang taguri ng mga mamamayan ng isang komunidad sa rehiyon ng Bangsamoro kay Ma’am Bela Mentok ng Ministry of Social Services and Development o MSSD BARMM.

Mag-isang sumuong at lumusong sa baha sa mga kumunidad, ginagampanan ni Mentok ang tungkulin na iniatang sa kanya ng ahensya sa page-evaluate at assess ng mga binahang pamilya sa Bangsamoro Authonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon sa mga netizen na sana ay pamarisan si Mentok ng maraming lingkod bayan sa panahon ng emergency at kalamidad.