Isang bahay ang nagmistulang pipi na lata matapos madaganan ng puno ng niyog sa Barangay Malasila, bayan ng Makilala, Cotabato. Naganap ang insidente sa kasagsagan ng kidlat na tumama sa puno dahil sa malakas na ulan at hangin na naranasan sa nasabing bayan ayon sa salaysay ng mga nakasaksi sa pangyayari.

Kinilala ang may-ari ng nawasak na bahay na si Rosalie Manliguez. Mapalad na walang nasaktan sa insidente ngunit umaapela ngayon ang pamilya ng tulong upang maipatayo ang bahay na nasira.