Naghain na kahapon ng kanyang kandidatura ang tinaguriang Ina ng BOL (Bangsamoro Organic Law) na si Former Congresswoman Bai Sandra Sema ng partido UBJP.

Kasama nito ang pamilya ng magtungo ng Comelec Office sa BGC, Cotabato City upang isumite ang kanyang COC.

Nagpasalamat naman si Sema kay UBJP President Ahod Ebrahim sa kanyang di matatawarang suporta at tiwala.

Maigi namang inistima at tinanggap ni PES Atty. Mohammad Nabil Mutia ang dating kongresista sa tanggapan nito.