Patay na ng matagpuan ang isang lalaki na may tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa mismong pamamahay nito sa Purok Maawain, MB Poblacion sa lungsod ng Cotabato.

Kinilala ng Presinto Uno ang natagpuang bangkay na si Arthur Gumandel y Castro alyas Aratuc, 49 anyos at may trabaho.

Sa ulat ng pulisya, nakarinig umano ng putok ng baril ang kapitbahay ni alyas Aratuc noong gabi ngunit naireport lamang ito kinabukasan.

Sa pagrespunde ng mga kapulisan, nakita na nilang nakahandusay sa sahig ang lalaki at may sugat sa magkabilang kamay at dibdib.

Ayon sa mga otoridad na pinagbababaril ang biktima dahil may mga basyo ng bala na narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon, blangko pa rin ang kapulisan sa kung ano ang motibo at sino ang pumatay sa nasabing si Alyas Aratuc.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa ikalulutas ng kaso.