Lasog-lasog at di na matukoy ang pagkakakilanlan ng isang bangkay na natagpuan sa Purik Gemelina, Barangay Lower Bayao sa Tukuran Zamboanga del Sur matapos itong masabugan ng ammonium nitrate.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga autoridad, nakarinig na lamang umano ang mga residente ng isang malakas na pagsabog sa nasabing lugar ar isa umanong service utility na may sirang rear door ang nakitang patakas patungong sementeryo ng bayan.

Pagdating ng pulisya sa lugar, tumambad na dito ang isang motorsiklong single at isang bangkay ng lalaki na natagpuang nasabugan habang isang bag ng ammonium nitrate naman ang natagpuan sa unang pinangyarihan ng insidente.

Maaring may kaugnayan umano sa natagpuang pampasabog sa lugar ang insidente. Ang Ammonium Nitrate ay isang sangkap sa mga ginagawang pampasabog tulad ng dinamita at iba pa.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa pagkakakilanlan ng biktima at pagkakahuli ng mga suspek sa insidente.