Tila kapangi-pangilabot na eksena sa pelikula ang nadatnan ng mga autoridad ng matuklasan ang isang bangkay ng pinaniniwalaang miyembro ng ikatlong lahi o LGBTQ sa isang bakanteng nitso sa bahagi ng Sementeryo del Malagapas, Barangay Rosary Heights 10 sa lungsod ng Cotabato kaninang hapon, Agosto 29. ‎‎

Nakilala ang biktima na si Carla Puti na nasa hustong idad at residente sa lungsod.‎‎

Base sa ulat na galing ng presinto Dos, nakatanggap sila ng tawag mula sa caretaker ng sementeryo dahil sa natuklasan nito.‎‎

Agad naman na rumesponde ang mga katapo ng PNP at kinumpirma nito ang ulat na may natagpuang bangkay sa nitso sa lugar.‎‎

Sa inisyal na pagsisiyasat, nasa disposisyon na Rigor Mortis o matigas na ang kalamnan ng biktima at tila baga ay nagtamo ito ng mga malalang sugat sa ulo at mukha na pinaniniwalaan dulot ng paghampas ng isang blunt object.‎‎

Sa dagdag na salaysay ng sepulturero, nadiskubre nito ang bangkay ng balikan nito ang papastulin nito na alagang hayop.

‎‎Agad naman na dinala sa isang lokal na punerarya ang bangkay para sa naaayon na disposisyon at maisailalim sa masusing otopsiya.